Sabado, Hunyo 15, 2013

Kasaysayan ng Wikang Filipino :D



Ayon sa mga 'nacionalista', importante daw na magkaroon ng sariling wika ang Filipinas para ibuklod ang mga mamamayan nito. Pero ang ginagawa lang naman nila ay pwersahin ang mga hindi Tagalog na mag Tagalog. Sabi nga ni Sergio Osmena, bakit natin pipilitin ang mga hindi marunong na mag Tagalog na mag Tagalog kung ang alam lang nila ay Ingles? Paano ba naging Tagalog ang Filipino?

Bago naging Tagalog ang 'Pambansang Wika' kuno ng Filipinas, karamihan sa mga Filipino ay nagsasalita ng lenguahe ayon sa kanilang rehiyon. Ang nagbubuklod na wika sa kanila noon ay ang wikang Espanol, walumpung porsiento ng mga Filipino ang nakakapagsalita nito. Si Manuel L. Quezon ay gustong gumawa ng sariling pagkatao ang mga Filipino upang makalaya daw sila sa mga dayuhan.

Noong 1937, itinayo ang National Language Institute na autorisado ng National Assembly upang mag saliksik kung ano ang pinakamainam na gawing Pambansang Wika. Meron silang listahan ng 4 na posibleng pwedeng maging Wikang Filipino:

1. Cebuano











2. Tagalog















3. Visaya















4. Waray
















Sa mga 4 na wikang ito, nanalo ang wikang Tagalog para maging Wikang Filipino, pero hindi pa ito ginawang opisyal. Noong 1967, gustong isulong ni Guillermo Gomez Rivera ang wikang Espanyol para maging pambangsang wika. Sinuportahan sya ng maraming tao pero ang mga nagsulong ng wikang Tagalog ay naattakot na matalo kaya dinala nila ito kay President Marcos. Sa 1973 Constitution, nakasulat dito na hindi pa talaga nagiging Tagalog ang Filipino at kasing pantay lang nito ng wikang Espanyol.

Salamat sa 1987 Constitution, tinanggal nila ang wikang Espanyol sa pambansang wika at pinalitan ng Tagalog. Gumawa ng sari saring propaganda ang mga Tagalista para ma engano ang hindi Tagalog na mag Tagalog. Ginamit nila ang tula daw kuno ni Rizal na "Sa Aking Mga Kabata" na alam naman natin na isang kasinungalinan na ginawa ng isang makata 10 taon pagkatapos ng Revolucion.
"Sa Aking mga Kabata"
By Jose Rizal

Sa aking pananaw, marapat lang gawing pantay ang Tagalog sa mga lenguahe ng ibang probinsya. Pinakikita lang dito na ang Maynila ang sentro ng bansa habang ang karamihan sa mga probinsya ay merong mabagal na pag unlad. Pinakikita lang dito na arogante ang nakakrami ng mga Manileno sa mga ibang wika katulad ng Bisaya.

Dahil nagbabago ang mundo, kailangan natin makisabay. Kailangan ng mga kabataan na matutuo ng kanilang mother tongue, at pati ang wikang Ingles, Espanyol. Pranses at iba pang wika na sinasalita sa level ng international. Dahil din sa wika ngayon na gustong humiwalay ng taga Visaya at Mindanao sa Filipinas. Kailangan natin sila irespeto. Gawing voluntaryo ang pagtuturo ng tagalog sa mga gustong matuto nito.





Muling Pakinggan ang Tunay na PINOY na kanta sa Buhay natin :


Sana lang na wag natin babuyin ang ating mga lenguahe.. Mapa Tagalog man.. Mapa Bisaya man. at iba pa. Bigyan natin ng kahulugan kung baket ito ginawa ng ating mga bayani. Bigyan natin ng tatak sa mga isipan natin kung baket ito ginawa at kaya ito ginawa upang bigyang pagmamahal at pagpapahalaga. TAYO ay isang TUNAY NA PINOY. :) 



















Ako nga pala si Raven I. Supilanas nag aaral sa De La Salle University Dasmarinas, BCS12 . PROUD TO BE PINOY AKO! :)) muling i add ako sa FB : ravensupilanas@yahoo.com.ph

MARAMING SALAMAT!!